Partido State University
Goa, Camarines Sur
A/Y: 2012-2013
How to Make Handouts
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay
"Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay."
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
UGAT
NG MAIKLING KUWENTO
|
|
Mitolohiya
|
Ito’y
salaysay tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang
katutubo.
Ang
salaysay na ito ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga
pananalig at paniniwala sa mga anito.
|
Alamat
|
Isinasalaysay
ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa.
Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.
|
Pabula
|
Ito’y
isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. Bagama’t
kathang-isip lamang ang kuwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay
naghahatid pa rin ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay.
|
Parabula
|
Ito’y
salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.
|
Kuwentong Bayan
|
Ipinapakita
sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura
ng isang lipi. Inilalahad din dito ang mga suliraning hinarap ng tribu na
siyang mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa.
|
Anekdota
|
Ito’y
nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga pangyayari’y
kapupulutan ng mga aral sa buhay.
|
Layunin
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Ang alamat ay iba sa nito at sa kasysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. ang nito ay di-totoo . ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat may mga bahaging totoo at meron din naman na hindi totoo ang kwento ay kadalasang kwento tungkol sa mga diyosa na maganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon, ni research ni Junel Bari.
Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Mga Elemento
• Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
• Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
• Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
• Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
• Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
• Kakalasan- Tulay sa wakas.
• Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
• Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
• Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
• kaisipan- mensahe ng kwento.
• Banghay- pangyayari sa kwento.
May siyam na uri ng maikling kuwento:
• Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
• Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
• Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
• Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
• Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
• Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
• Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
• Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
• Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
Mga Bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:
Ang panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa.
Ang saglit na kasiglahan ay ang bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.
Ang suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mababasa ay napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi.
Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailingan lamang ay ang maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas.
Ang kakalasan ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi rin dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya ang magbigay ng wakas sa kuwento.
MGA MAHALAGANG SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
1. Tagpuan
Tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan ng kuwento at kasama nito ang panahon, oras at kapaligiran. Ang mga ito ay nakatutulong nang malaki sa pagbuo ng namamayaning damdamin.
2. Banghay
Ito ang kawing-kawing ng mga pangyayari na kapag nakalas ay tapos na ang kuwento.
Sa bahaging ito nailulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
3. Tauhan
Ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.Ang pinakamahalagang papel sa kuwento ay ginagampanan ng pangunahing tauhan o protagonist, sa kanya nakatuon ang interest ng mga tauhanng sumusuporta sa kanya at mga tauhang kumakalaban sa kanya.
IBA PANG SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
* Paksang Diwa
Ito ang pinakadiwa ng katha. Ito ang pang- isipang iniikiran ng maliliit na himaymay ng katha at nabubuo ng manunulat ang kasiyahang pandamdamin at pangkaasalan sa mambabasa.
* Himig
Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaring masaya ang kuwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa.
* Paningin
Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang mambabasa ang iba’t ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin.
Sa pamamagitan ng paningin, makikilala ng mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon at ang relasyon ngn mga tauhan.
Halimbawa ng maikling kuwento:
Bagong Kaibigan
(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“
Mga Sanggunian:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
Mga Artikulong walang pinagmulan-January 2012
Mga Artikulong walang pinagmulan-January 2012
http://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/
Powered by Cyberspace.ph web hosting
Pinoy Edition © 2013 - All rights reserved.
http://halimbawangmaiklingkwento.blogspot.com/
Pinoy Edition © 2013 - All rights reserved.
http://halimbawangmaiklingkwento.blogspot.com/
G.Bernard
Umali
http://en.wikipedia.or
Ivy Big-asan- third year student taking up BSE-Filipino at Benguet State University-Buguias Campus.
Ivy Big-asan- third year student taking up BSE-Filipino at Benguet State University-Buguias Campus.
http://uniquegina.wetpaint.com/page/Mga+Uri+ng+Maikling+Kwento
Gina Ygona-July 8, 2009
Gina Ygona-July 8, 2009
Prepared by:
Eden D. Aguilar
BSED 2B
Prepared to:
Dr. Myrna C. Bigueja
Instructor
....simmple,,,pero ok naman...its nice
TumugonBurahintnx po sa pgcomment.
BurahinRating
TumugonBurahinCategory Score
1.Title Section 4
2. Body 4
3. Quotes 4
4. Pictures/Figures/tables 2
5. Attractiveness 3
__________
17=93
tnx sa pgcomment at pagrate.
Burahin...well detailed...:)
TumugonBurahintnx po
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinsimple nga talaga na may dating... ok na..:-)
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
BurahinRating
TumugonBurahinCategory Score
1.Title Section 4
2. Body 4
3. Quotes 3
4. Pictures/Figures/tables 2
5. Attractiveness 3
__________
16=1.75=90
tnx po sa pgrate.
BurahinGood work Ms.Aguilar...You have a good preparation of handouts.
TumugonBurahinYou have consistency in using only one font style that's why i like it.simplicity is beauty ika nga :)
TumugonBurahintitle:4
TumugonBurahinqoutes:4
body:4
pictures:4
atractiveness:4
total:20-99
title:4
TumugonBurahinqoutes:4
body:4
pictures:4
atractiveness:4
total:20-99
title:4
TumugonBurahinqoutes:4
body:4
pictures:4
atractiveness:4
total:20-99
Horror Stories
TumugonBurahin